Isang Comprehensive Guide Sa Pagkuha Ng Housing Loan Sa Pilipinas

Kung ikaw ay nangangarap na bumili ng sarili mong bahay, mahalagang alamin kung saan at paano makakakuha ng housing loan sa Pilipinas.

Para sa napakaraming millennials, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isang malaking milestone. Kadalasan, ito ang unang hakbang patungo sa pagiging independent at sa pagtaguyod ng iyong sarili. Ngunit hindi naman madaling ipunin ang pera na kailangan sa pagbili ng bahay. Dito na papasok ang tinatawag na home loan, o housing loan.

Bakit kailangan ng housing loan?

housing loan

Source: pxhere.com

Aminin na natin, hindi madali para sa lahat ng tao ang magkaroon ng bahay. Hindi rin madaling mag-ipon ng down payment upang bumili ng bahay.

Kaya't upang makatulong dito, mahalaga ang pagkuha ng housing o home loan.

Ang housing o home loan ay isang uri ng utang sa bangko o financial institution kung saan ibibigay nila ang 70% hanggang 80% ng value ng property na gusto mong bilhin.

Pagdating naman sa pagbabayad ng housing loan, ito ay babayaran ng hulugan ng ilang taon, depende sa kasunduan. Mayroon ding interest rate ang iyong babayaran kapag kumuha ka ng housing loan.

Mapapadali nito ang pagkuha ng bahay dahil sa halip na mag-ipon ka ng maraming taon, pwede kang kumuha ng loan ngayon, makuha ang iyong dream house, at saka bayaran ang iyong inutang na loan.

Ngunit hindi lahat ng loan ay pare-pareho. May mga ilang bagay na dapat tandaan tungkol dito.

4 na bagay na dapat tandaan bago kumuha ng housing loan

  1. Monthly Payment - Ang monthly payment ay kung magkano ang iyong babayaran buwan-buwan. Mahalagang kumuha ng loan na kung saan sigurado kang mababayaran mo.
  2. Down Payment - Kapag ikaw ay kukuha ng loan, kailangan mo din magbayad ng down payment sa bangko bago ka makapag-loan. Kadalasan ito ay 20% ng value ng bibilhin mong bahay.
  3. Uri ng interest rate - Sa mga loans, may 2 uri ng interest rate. Ang isa ay fixed interest rate kung saan hindi nagbabago ang interest rate. Ang isa namang uri ay ang variable, o nagbabago depende sa market interest rates. Kadalasan, mas madaling magbayad ng fixed interest dahil hindi ka na mahihirapan magbudget para dito.
  4. Loan tenure - Ang loan tenure ay kung gaano katagal mo babayaran ang loan. Kapag mas matagal ang loan tenure, ay mas malaki din ang interest rate na iyong babayaran.

Saan pwedeng mag-apply para sa home loan?

Hindi lamang sa bangko pwedeng kumuha ng housing loan. Mayroon ding loan na pwedeng makuha sa SSS at Pag-Ibig.

Ang mga loans na makukuha sa SSS at Pag-Ibig ay mas mababa kumpara sa makukuha mo sa bangko, pero mas flexible at mas matipid rin ang pagbabayad dito. Kaya kadalasan dito nag-aapply ng home loan.

Ang mga bangko ay may mga loan na ibinibigay, pero madalas ay mas mataas ang interest rate dito.

Paano mag-apply para sa loan?

housing loan

Source: http://alphastockimages.com/, http://nyphotographic.com/

Unang una, kapag kukuha ka ng loan, kailangan mong ihada ang mga sumusunod na requirements:

  • Application form para sa loan
  • Marriage contract (kung meron)
  • Government issued ID
  • Community tax certificate
  • TIN
  • Resume o Biodata
  • Certificate of employment
  • Income tax return
  • Pay slip
  • Mortgage redemption insurance form
  • Paiba-iba din ang requirements na kailangan depende sa financial instituation o bangko, kaya't mabuti rin na tanungin mismo sa kanila kung ano ang kailangan mong ihanda.

    Ano ang mga sunod na hakbang?

    Matapos mong ibigay ang requirements, ito ay susuriin ng loan officer, at kaniyang aalamin kung anong uri ng loan ang pinaka-angkop sa pangangailangan mo.

    Dito rin idedetalye ng loan officer kung magkano ang ibibigay sa iyo na loan, magkano ang babayaran buwan-buwan, magkano ang interest rate, at gaano katagal ang gagawin mong pagbabayad.

    Idedetalye rin dito ang iba pang mga fees at babayaran.

    Kung sang-ayon ka sa kanilang mga terms ay pwede nang ibigay ang loan application mo para sa approval. Kung hindi ka masaya, o di kaya'y gusto mo din mag-inquire ng loan sa ibang bangko, hindi mo naman kaagad kailangan ibigay ang application. Pwedeng pag-isipan mo muna at alamin kung anong loan ba ang angkop sa pangangailangan mo.

    Kapag nakapili ka na ng gusto mong loan, ibibigay ang application sa loan processor na ibibigay naman ito sa underwriter na siyang mag-approve o disapprove ng loan application.

    Kapag naapprove na ang iyong loan, ang kailangan na lang ay pumirma sa mga loan documents at tapos na ang proseso. Kadalasan inaabot ng hanggang 30 days ang pagkuha ng loan. Matapos nito ay pwede mo nang makuha ang iyong pinapangarap na bahay!

     

    Basahin ang iba pang article:

    Is It A Good Idea For Filipinos To Invest Their Money In Gold?

    Para Saan Ba Ang Health Plan, At Kailangan Mo Ba Nito?

    Loan & Mortgage Calculator