NutriAsia Strike Update: Bayolenteng Dispersal Naganap; 19 Nadakip Ng Pulis

Trending ngayon sa social media ang naging bayolenteng dispersal ng mga trabahador na kasapi sa NutriAsia strike na kasalukuyang nagaganap.

Kahapon lamang ay nagkaroon ng bayolenteng dispersal ng mga trabahador at aktibista sa NutriAsia strike. Nangyari ang dispersal sa factory ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan habang nagsasagawa ng misa ang mga picketers noong July 30.

Ang pangyayari ay kinundena ng mga labor groups sa bansa, pati na rin ng mga netizens online.

Bayolenteng dispersal sa NutriAsia strike

NutriAsia strike

Source: facebook.com

Ayon sa mga report, ang dispersal ay isinagawa umano ng mga guard ng NutriAsia kasama ng Bulacan Police.

Ayon sa Facebook post ng NutriAsia tungkol dito, ang mga aktibista daw ay nagpaputok ng baril, at nagsimulang pagbabatuhin ang mga guard at pulis. Dahil daw dito, kinailangang isagawa ang nangyaring dispersal ng mga trabahador.

Taliwas naman ito sa statement ng mga trabahador na nagsabing nagsimula ang gulo nang sila ay tinulak ng mga guard habang nagaganap ang isang ecumenical mass.

Di kalaunan, pinagbabato raw sila ng mga pulis, at pinaghahampas ng mga pamalo.

Ayon kay William Espiritu, isang worker sa NutriAsia, "They kept on striking us, even as we raised our hands. They did not have any mercy."

Si Leticia Espino, isang supporter ng NutriAsia strike at miyembro ng Kadamay, ay nakuhanan ng letrato habang duguan at tinutulungan ng kaniyang mga kasama.

Dalawa ang dinala sa ospital dahil sa kritikal na kondisyon. Mahigit 20 pa ang sugatan at binigyan ng first aid.

19 katao ang inaresto ng mga pulis, ilan dito mga estudyante

NutriAsia strike

Source: facebook.com

Ayon sa karagdagang mga report, 19 katao ang inaresto at dinala sa Meycauayan Police Station. Kabilang na rito ang ilang mga mamamahayag at mga estudyante.

Kabilang na rito ang isang student leader na si Jon Bonifacio na dinakip di umano sa mga pekeng drug charges.

Ilang mga netizens ang tumungo sa Twitter upang ipaglaban ang pagiging inosente ni Jon Bonifacio.

NutriAsia strike

Source: twitter.com

Ang isa namang netizen ay nagsabi na hindi gumagamit ng drugs at nagdadala ng baril ang dinakip na estudyante.

NutriAsia strike

Source: twitter.com

Isang kaklase naman ni Jon ang nagsabi na siya ay masipag, mabait, at tunay na may malasakit para sa kapwa Pilipino.

NutriAsia strike

Source: twitter.com

Umaasa ang mga supporter na lalabas din ang hustisya at mapapalaya ang mga nadakip ng pulis.

 

Basahin ang iba pang mga article:

You Asked: Why Are People Boycotting NutriAsia?

Terrible Working Conditions In Upscale Manila Department Store Shock The Internet

Best Careers For Moms: 10 Industries With The Happiest Working Moms