Paano Magbukas Ng Bank Account Sa Pilipinas?

Ikaw ba ay nagnanais na magbukas ng bank account para sa sarili mo? Narito ng mga importanteng kaalaman at tips tungkol dito

Alam niyo ba na 34.5% lang ng mga Pilipino edad 15 pataas ang may bank account? Ibig sabihin nito, karamihan ng mga Pilipino ay tinatawag na "unbanked" o hindi nakikinabang sa serbisyo ng mga bangko. Siguro ang iba sa kanila ay hindi marunong magbukas ng bank account, o di kaya ay hindi makita ang benepisyo nito.

Nakakaalarma ang statistic na ito, dahil malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sariling bank account sa pag-asenso at pag-iipon ng pera.

Mas madali din makinabang sa serbisyo ng mga financial institution, at sigurado ka na safe ang iyong pera kapag ito ay nasa bangko.

Kaya't heto ang isang guide kung paano magbukas ng bank account.

Paano magbukas ng bank account sa Pilipinas?

magbukas ng bank account

Source: http://alphastockimages.com/, http://www.nyphotographic.com/

Unang una, kailangan mong pumili ng bangko kung saan ka magbubukas ng bank account. Maraming mga bangko sa Pilipinas, at iba't-iba ang kanilang mga serbisyong pwedeng i-offer sa mga gusto magbukas ng account.

Mga dapat tandaan sa pagpili ng bangko

  • Pumili ng well-established na bangko. Mahalaga ang pumili ng bangko na sigurado kang hindi magsasara ng basta-basta.
  • Alamin kung magkano ang mga fee at iba pang mga charges. May mga ilang bangko na may malalaking fees na ipinapatong sa iba't-ibang transaction. Kaya mahalaga ang pagpili ng bangko na reasonable ang mga charge at fee.
  • Mahalaga rin ang accessibility. Hindi lang importante ang pagkakaroon ng magandang online banking service, ngunit kailangan din na may malapit na branch sa bahay mo ang iyong bangko.
  • Maghanap ng bangko na angkop sa iyong lifestyle. Bawat bangko ay may sari-saring mga benefits na maibibigay sa kanilang mga customers. Mahalagang pumili ng bangko kung saan magagamit mo lahat ng serbisyo at angkop sa iyong pangangailangan.
  • Importante rin ang maintaining balance. Ang maintaining balance ay kung magkano ang pera na dapat nasa iyong account bago ikaw kaltasan o patawan ng penalty.

Mahalaga din na malamang kung anong klase ng bank account ang gusto mong buksan.

Iba't-ibang uri ng bank account:

  • Checking account - Ang checking account ay isang uri ng account kung saan pwede kang mag deposit, withdraw, at magpadala ng pera. Kaya rin ito tinawag na checking account ay dahil pwede kang mag-issue ng tseke o check na pwedeng gamitin sa pagbabayad.
  • Savings account - Ang savings account naman ay para ring checking account, ngunit ang malaking pinagkaiba nito ay mayroon itong interest rate kung saan pwedeng lumaki ang iyong deposit kada buwan. Ang drawback lang ay kadalasang mataas ang maintaining balance, o ang pera na kailangang laging nasa account na ito. Kapag bumaba sa maintaining balance ay magkakaroon ka ng penalty sa iyong account.
  • Business account - Ang mga business account naman ay ibinibigay lang sa mga may-ari ng negosyo. Marami itong features na hindi mahahanap sa regular na accounts, at makakatulong para sa mga business owners.

Mga kailangang requirements

Simple lang ang pag-apply para makakuha ng bank account. Pero kailangan mo ring maghanda ng ilang requirements na kailangan ng bangko para buksan ang iyong account.

  • Valid ID
  • 1 x 1 ID Picture
  • TIN o Tax Identification Number
  • Proof of Billing (Meralco, PLDT, MWSS etc)

Mabuti na ring maghanda ng photocopy ng mga documents na ito kung sakaling kailanganin ng bangko. Mas mapapabilis ang proseso ng iyong application kung kumpleto lahat ng mga kailangang requirements.

Mga popular na bangko sa Pilipinas

magbukas ng bank account

Source: goodfreephotos.com

Kung may plano ka na magbukas ng bank account, heto ang ilan sa pinakakilalang mga bangko sa Pilipinas at ilan sa kanilang mga account:

BPI

Initial deposit Maintaining balance Interest rate
BPI Kaya Savings ₱200 N/A 0.250% per annum
BPI Jumpstart Savings ₱100 ₱1,000 0.250% per annum
BPI Express Teller ATM ₱500 ₱3,000 0.250% per annum
BPI Passbook Savings
₱10,000 ₱10,000 0.250% per annum

BDO

Initial deposit Maintaining balance Interest rate
BDO Passbook Savings ₱5,000 ₱10,000 0.250% per annum
BDO ATM Savings ₱2,000 ₱2,000 0.250% per annum
BDO Optimum Savings ₱30,000 ₱30,000  call bank for more information

Metrobank

Initial deposit Maintaining balance Interest rate
Metrobank Passbook Savings ₱10,000 ₱10,000 0.250% per annum
Metrobank ATM Savings ₱2,000 ₱2,000 0.250% per annum

Landbank

Initial deposit Maintaining balance Interest rate
Landbank Savings Account ₱500 ₱500 0.250% per annum
Landbank Easy Savings Plus ₱20,000 ₱20,000 Depends on market rate
Landbank Regular Savings Account ₱500 ₱500 0.250% per annum

PNB

Initial deposit Maintaining balance Interest rate
PNB Superteller ATM ₱3,000 ₱3,000 0.100% per annum
PNB Debit Master card ₱3,000 ₱3,000 0.100% per annum
PNB Passbook Savings ₱10,000 ₱10,000 0.100% per annum

 

Sana ay makatulong ang simpleng guide na ito, at maengganyo pa ang mas maraming mga Pilipino na magbukas ng kani-kanilang bank account.

 

Basahin ang iba pa naming articles:

Isang Comprehensive Guide Sa Pagkuha Ng Housing Loan Sa Pilipinas

Para Saan Ba Ang Health Plan, At Kailangan Mo Ba Nito?

Is It A Good Idea For Filipinos To Invest Their Money In Gold?